Monday, April 9, 2012

Zirkoh

Hindi planado, yan ung masasabi ko sa araw na nag Zirkoh kami. Si hanz niyaya niya lang ako para magshot, pero dahil hindi pwede sila dessa ayan may pumalit nanq lakad. hahaha Si marianne saktong nagyaya kay hanz sa zirkoh, so ang lola mu, tatanggi pa ba?! eh pers taym ko kaya dun kaya GO na ! hahah



I think mga 9pm na kami dumating dun, medyo wala pa masyadong tao. Maaga pa kasi.



Tamang chill lang, kaya San Mig Light lang hehehe


So pagdating pa lang namin, pansin agad kami ng mga beckimese, Sabi samin may naaamoy daw sila ka-federasyon, hahah. ok lang daw un kasi hanapan talaga ng itlog (Easter Sunday) kaloka! ^_^


Syempre, sa inuman di nawawala ang CHEERS !!!




More photos, more fun ... kasama din namin ung kapatid ni marianne...


Tipsy na si hanz, hahaha


Ako inaantok na, pero habang tumatagal dumadami na ang tao. Sabi nga nila 12 midnight nagsisimula ang tunay na kasiyahan.


So eto na ang hinihintay namin. AEGIS ang kanilang pinaka main show. Grabe gusto ko lumuhod sa harap nila, at sabihin "akin na yang boses mo". Ibang-iba talaga kapag live na. nakakakilabot at mapapa nga-nga ka!


Hindi lang sila singer pwede din komedyante. Nagpapatawa habang kumakanta lalo na kung may forenjer... hahaha 


Ito pala reaksyon ko habang nanunuod sa kanila. Nagdadasal na aq na sana, mapasakin ung mga boses nila. Tulala talaga ang peg ko.


Ayan medyo kumukulit na, nakainom na eeh! ako patwee-tums lang.


SHOT PA !!!


Nag-iisang pic na kumpleto kami... Ngiting-ngiti naman ako dito hihih

Mga 3am na rin kami umuwi nun. Hanggang pag-uwi ko, iniisip ko pa din ung Aegis.

Sarap bumalik pero dapat mas marami pang datung. ahahah